search...

Google

Saturday, May 02, 2009

LP #55 :: Tulay


kapit bisig:
ang tulay na hindi nabubuwal,

ang tulay na sumasabay sa agos, sa hangin, sa panahon,

ang tulay na patuloy na kinakapitan, dinaraanan,

ang tulay na laging naaasahan.


joining of hands:

the bridge that is strong,

the bridge that goes with the waves, the wind, time,

the bridge that we continue to hold on to, that we continue to pass,

the bridge that we can rely on.


LP #54 :: Gusali


mamili ka...
mula sa mga gusaling nakikita
na hanggang sa naaabot ng iyong mga mata.

mamili ka...
mula sa iba't ibang hugis, taas, kulay,
makikita mo ba ang nais mong tunay?
mamili ka...

mula sa dagat ng konkreto

na patuloy pang tinatayo rito.


choose...
from all the buildings here
as far as your eyes can see.

choose...

from the different shapes, heights, colors,
will you find what you are looking for?

choose...

from the sea of concrete

that they continue to build.

Tuesday, April 21, 2009

LP #53 :: Hardin


ilang buwan ang hinintay upang matapos ang tag-lamig...
ilang buwan na lamang at hahaluan na ng samu't saring kulay,

ang berdeng damo't dahon sa hardin na ito.


sa ngayon ay patuloy pang naghihintay...

para sa mga bulaklak na uusbong mula sa lupang nag-aabang.


waited for several months for winter to be over...

and just a couple more months,
and this will be filled with color,

more than the green of the grass and leaves.


for now we shall continue to be patient...

for the flowers that will bloom in the soil that has been waiting.

LP #52 :: Paboritong Litrato


pagbabalik-tanaw.

reminiscing.

LP #51 :: Sapatos


Hilaga
Timog
Silangan

Kanluran


Saan ba ako pupunta?

Saan ba ako dadalhin ng mga sapatos na ito?

Kung saan man...

ang importante ay ang paglalakabay patungo rito.


North
South

East

West


Where am I headed?

Where will these shoes bring me?
Wherever it may be...

what's important is the journey.

Isang Pasasalamat


para sa lahat ng mga biyaya...
para sa lahat ng mga pagkakataon...
para sa lahat ng mga kaligayahan...
para sa lahat ng mga hirap na nalalagpasan...
para sa lahat ng pagmamahal...

salamat.


araw-araw inaalala ang mga regalong ipinagkakaloob at araw-araw ding paulit-ulit na nagpapasalamat.

patuloy na ipinagdarasal ang walang kupas na patnubay.