search...
Thursday, June 19, 2008
LP #12 :: Itay
isang pagpupugay...
sa aming itay...
na siyang tumayong haligi
sa limang magkakapatid.
tulad ng isang puno,
malakas, matatag,
kahit anong unos,
pinilit lampasan.
ngayon ay may pag-uliliang
sa puso'y nadarama.
sa mga panahong tulad nito
inaalala lamang ay siya.
a tribute...
to our father...
who stood as pillars
to five children.
just like a tree,
strong and firm,
each and every catastrophe,
he was able to overcome.
my heart now struggles,
as i rekindle memories.
during moments like these,
his presence is all i long for.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
21 comments:
san yan? jan ba nakalagay ang iyong tatay? parang ang lungkot naman nya jan :(
kay gandang larawan...kay gandang mensahe.
tama ka... ang mga ama ay gaya ng puno (lalo na ng niyog)... matikas, matayog, sandigan... hindi nagpapatalo...
ay, nakakalungkot naman ang litrato. pero ang ganda. :(
aww nice photo. maganda ang simbolo!
nakakaantig naman ng damdamin ang iyong litrato!
ang ganda naman ng larawan lids!!! pero totoo, parang may halong lungkot nga lang :(
saan kayang lugar ito? prang sa isang lumang pelikula ang kuha.
hope nameet ko din ang pop mo, lidsÜ
kakaiba pero makahulugan ang iyong akda
Lids, ang ganda nga ng iyong litrato.
Ang sarap nga sana kung matagal nating makasama ang ating mga magulang.
Maligayang LP!
isa ring magandang paghahalintulad!
d ako sure if pumasok ung una kong comment kya try ko ulit:)
magandang pagpupugay para sa iyong ama. at maganda rin ang larawan. :)
Bagong Ama
Magkalaro, Magkaibigan, Mag-ama
maganda talaga dyan sa sunken cemetery ng camiguin... nakapunta ba kayo hanggang dun sa krus? may bangka na pwede i-rent papunta dun... isa sa paborito kong lugar ang camiguin... :)
Maganda ang larawan pati na ang mensahe mo :)
Ang ganda ng lugar at larawan Lids, pero nakakalungkot pagmasdan *singhot*
si iska po... nagpupugay din para sa mga itay!
gandang larawan... :-)
Napakagandang tribute at larawan, Lidie.
kung pwede nga lang sana habang buhay magkakasama tayong buong pamilya :(
sana maging masaya weekend mo!
Spooky! Is this in Camiguin. always want to go there!
beautiful
ipagpaumanhin niyo po kung hindi ako nakaka-reply sa inyong mg komento. marami kasing mga pagbabago, gaya na rin ng aking nabanggit kama-kailan... pero eto na... eto na! teehee!
@ettey: sa camiguin yan, called sunken cemetery. malungkot nga ngunit napakaganda... at hindi po, wala po dyan ang aking tatay...
@Reflexes: salamat...
@betchay: bilib talaga ako sa mga ama dahil sila ang laging inaasahan ng lahat ng miyembro ng pamilya
@pao: oo nga e...
@Surfergirl: thanks, thanks!
@Dyes: medyo nga... sinubukan ko talagang bagayan ang tema base sa aking karanasanÜ
@Farah: salamat, Farah! sinusubukan ko nalang tignan sa maganda aspeto ang litrato para hindi ako malungkot Ü
@kiwi.pino: sa Camiguin ito... marahil nga ay nagamit na rin sa isang pelikula dati!
@Liz: ho hum... itchokei, m sure he's happy i have a friend like you! and he's really much like your pop... mas quiet pa dad ko :P
@Linnor: pilit ko rin talagang sinubukang gawing kakaiba, salamat!
@leapsphotoalbum: yan ang talagang pinapangarap ko sa mga kabataan... na magkaroon sila ng mahaba at makabuluhang panahon kasama ang kanilang mga ama
@ces: salamat, ces!
@Munchkin Mommy: thanks!
@lino: hindi kami nakalapit sa may krus, gahol din kasi talaga kami sa oras e! ang ganda talaga sa camiguin ano? lalo na sa sand bar!
@nona: *sigh
@iska: ito talaga ay isang tribute sa magigiting na mga ama!
@thess: thanks, Thess! kung pwede lang talaga... kung pwede lang
@Chrys: hehe... medcho may mystic effect ano? you should go! it's beautiful!
Post a Comment