search...

Google

Thursday, June 26, 2008

LP #13:: Pag-aaral


sunugin ang kilay...
at sumalok ng kaalaman
mula sa balon ng karunungan.

study hard...
and fetch knowledge
from the well of wisdom.

23 comments:

Anonymous said...

Uy nagsusunog ng kilay :) Maligayang Huwebes!

arvin said...

Kahit nga brownout, kailangan pa ring mag-aral:) lalo na kung exam:D

Anonymous said...

buti na lang nabuhay tayo sa panahon na may kuryente... kung hindi eh baka marami sa 'tin wala ng kilay :D

Anonymous said...

di ko yata ginawa yan nung nag aaral pa ako, nagtataka nga ako baket ako nakapasa eh! hehehe ^_^

Anonymous said...

parang seal ng school yun pik - libro na may kandila sa likod.

Anonymous said...

brown out ba talaga nitong photo op na ito? o drama lang:)

 gmirage said...

Malalim at napakaganda ng tinuran mo na mga kawikaan...at ang kitrato ay nagpapaalala sakin ng pagpupuyat ko noong ako ay isa ding mg-aaral...

Anonymous said...

buti na lang at may elektrisidad na. ang hirap noong panahon na kandila lang ang ginagamit para makapagbasa o makapag-aral sa gabi

Anonymous said...

ang ganda naman ng picture mo! naalala ko tuloy kung paano ko sinunog ang kilay ko nung nag-aaral ako :)

Tes Tirol said...

ang hirap nga magbasa kung brownout - mainit pa. Ipaypay ko na lang ang notbuk :)

happy lp!

ang aking lahok:
http://teystirol.com/2008/06/26/lp13-pag-aaral/

Marites said...

aba! parang dapat magdasal dahil sa brownout at nagmukhang altar ang libro na may kasamang kandila! maligayang lp!

Anonymous said...

Talagang klangan magsunog ng kilay para makatapos. :-)

Magandang Huwebes!

Anonymous said...

naku, naaalala ko yung mga panahong kailangan mo mag-aral pero brown out. Alam ko natutulog na lang ako kapag ganoon....hehehe!

Anonymous said...

Ang aking mga kilay ay parehong kalbo pero d dahil sa pagsusunog sa pag-aaral, kalbuhin lang talaga hehe

Mahirap magbasa ng libro sa dilim...hmmm...

Happy LP Lidie!

Pete Erlano Rahon said...

okey sa shot, aral na aral...mapa-black-out man walang lusot may kandila naman para magbasa ugh... hirap lang sa mga mahina ang mata hehehe

Anonymous said...

ang ganda ng iyong tula!!!

Anonymous said...

Ingat lang - huwag magpakalunod sa balon! Magpahinga naman paminsan-minsan... Halata bang paborito kong subject ay recess noon? Hehehe!

♥SomethingPurple♥ said...

lids, ang drama naman ng iyong lahok hahah! astig!

Stripe&Yellow

Anonymous said...

ingat sa kandila :) he he

Anonymous said...

naalala ko nuong high school ako, kasagsagan ng brownout sa ilalim ng pamunuang Aquino. merong pagkakataong nasunog talaga ang kilay ko dahil napadikit sa kandila. hahahahhaa!

Ladynred said...

Ang ganda naman ng tula. Great shot din! Salamat sa comment.
Scrapbooking and Photography

Anonymous said...

simple and true. nice shot.

Anonymous said...

Sunog kilay, ganyan ako noon, sana ganyan din ang mga anak ko :)