search...

Google

Thursday, July 10, 2008

LP #15 :: Balingkinitan

ang kawayan,
katawa'y balingkinitan.

manipis, mataas,
pag mahangi'y humahampas.



hindi aakalaing
may taglay itong lakas,
na suungin ang panahon,

bagyo man ay malakas.



sikreto nya ay ang pag-ugoy,
pagsabay sa ihip.
hanga ako sa kanyang taglay
na pagsunod upang mabuhay.



the bamboo,

slender, thin and tall,
lashes when the wind whirls.

one will not think,
that is has strength to withstand
the harshest of weathers.

its secret lies
in its sway with the wind;
and i admire its willingness to abide,
to survive.

16 comments:

Anonymous said...

Super sa pagkabalingkinitan! Ang lagitnit na awit ng kawayang sumasayaw. :)
Magandang araw Lids :)
Ako nga pala ay lumipat na dito http://nona.akoni.info

 gmirage said...

Ang pinakamagandang halimbawa ng matibay na balingkinitan. Happy LP!

Anonymous said...

perfect example ng balingkinitan ang kawayan :)

Anonymous said...

ay oo nga ano? Asteeg na balingkinitan nga ang bamboo!

happy LP, Lidie! :)

Anonymous said...

balingkinitan nga! :) galing ng konsepto :)

Anonymous said...

naka-relate ako. hindi dahil balingkinitan din ako ha, kaya lang dati kasi akong nakatira sa meycauayan, hehehe. :)

happy lp, lids! :)

LP Balingkinitan sa MyMemes
LP Balingkinitan sa MyFinds

Anonymous said...

Ganun e, kapag balingkinitan, madaling nahihipan ng hangin. Buti pa kaming hinde, hindi natitinag! Hehehe:D

Anonymous said...

ang pinaka matibay na balingkinitan.

masarap ang labong niyan heheh...

Anonymous said...

tama ang hugis ng kawayan ay balingkinitan.

Anonymous said...

true... kahit balingkinitan ang kawayan, matatag... hindi madaling matinag!

Anonymous said...

matibay at nagagamit sa iba't ibang paraan, yan ay dahil ito ay balingkinitan. Ok ang larawan mo. Teka, parang pareho kayo ni Weng ng konsepto :)

Marites said...

tunay na halimbawa ng isang balingkinitang matibay! Pinoy pa ang dating!

Neri said...

uy kawayan uli! muntikan na ring kawayan ang lahok ko eh.

maligayang paglilitrato! :)

http://gallerianeri.blogspot.com/2008/07/sexy-siesta.html

Tes Tirol said...

uy meeya, taga meycauayan din ako dati :) pero wala akong nakitang masyadong kawayan he he he

okey ang iyong lahok - slender talaga!

happy lp!

Anonymous said...

perfect talaga ang kawayan na gawing subject para sa balingkinitan :)

have a great week ahead!

Anonymous said...

bamboo din ang entry ko para sa temang ito. pero yung pang-indoor lang. :)