search...

Google

Thursday, July 17, 2008

LP #16 :: Berde


berdeng sa leeg nakatali,
simbolo'y handa palagi.

lahat ng sitwasyon kakayanin
hirap, sakit papasanin.

boy scout, girl scout,

sa berdeng kasuotan,
responsibilidad sa balikat,
sinumpaang gagampanan.

a green ribbon on the neck,
a symbol that one's always ready.
carrying on, despite all challenges,
baring all pain and suffering.

boy scout, girl scout,
in their green uniforms,

responsibilities on their shoulders,
they've committed to withstand.

21 comments:

NONA said...

Lids, napapa-saludo tuloy ako. Naalala ko ang girl scout day ko.
Happy "green" day ;)

fortuitous faery said...

woohoo, laging handa! mabuhay ka!

hindi ko naranasan maging girl scout nung bata pa ako....wala sa paaralan ko noon. weird nga eh. siguro kasi pribado.

sardonicnell said...

bigla kong naalala ang aking boy scout days. hehehe! happy thursday ;)

Tere {Blessings in Life} said...

Yan para sa mga may berdeng dugo! Naalala ko tuloy ang grade school ko. Namiss ko na ang camping! Maligayang Huwebes sa iyo!

lino said...

laging handa... :) happy thursday!!! :)

shutterhappyjenn said...

hi lids! salamat sa pagdaan sa post ko. naging girl scout din ako dati, pero mas maswerte ang kuya ko nung maging boy scout siya kasi grade 4 pa lang, nakapunta na siya ng mt. makiling para dumalo sa jambooree!

christine said...

ako rin, napa-reminisce ako ng aking girl scout days. :)

jen said...

so, girl scout ka? hehe. one time lang ako nakasali nun at naalala ko hindi ko nagustuhan. :(

betchay said...

green scout! join ako dyan!

HiPnCooLMoMMa said...

uy meron nyan ang mga anak ko, parehas kasi silang scout

arvin said...

Tagal ko na ring 'di nakapagsuot niyan. Tanda ko pa, may kinabisado akong maghabang tula para sa program ng boy scout nung elem, hehehe.

Buge said...

Nainggit naman ako at lahat kayo halos naging scouts... ako hindi. Saludo ako sa inyo!

Magandang Huwebes!

Cookie said...

Girl scout din ako dati. Mabuhay ang mga scouts!

thess said...

hayy, those were the days! Ang pinagpipitagang panyolito ng scouts!

Happy LP =)

julie said...

Peborit ko yan, Scouting. Pati anak kong panganay naging Girl Scout din :)

meeya said...

uy scouting! lagi ka sigurong handa, hehe. dati rin akong gsp, at katulad nila memorized ko pa rin ang GS law. :)

sa school, lagi ngang girls in green ang tawag sa amin, haha! eksakto. :)


Luntian sa MyMemes
Luntian sa MyFinds

Linnor said...

tama, berde nga pala yung damit ng girls scouts. tapos ibang green naman pagdating sa c.a.t. :D

Pinky said...

Isa ka palang dakilang scout ha! :)

Happy LP sa iyo!

something purple said...

uy natago mo pa ha! laging handa! hahha maligayang LP lids!

Ner said...

hehehe.. nakakahiya pero hindi ako naging girl scout sa buong buhay ko. kaya siguro hindi ako laging handa? hehehe joke lang. natutuwa ako sa mga knots na pinag-aralan ng mga GS kong kaklase noon.

salamat sa pagdaan. maligayang paglilitrato! :)

Munchkin Mommy said...

lids, magkasama kami ni meeya sa pagiging girl scouts. pareho kaming girls in green. ;)