search...

Google

Thursday, May 08, 2008

LP #6 :: Mahal na Ina



ina...
sa pagdilat ng mga mata
sya ang aking unang nakita;
tinig lamang nya
ang unang pumasok sa aking tenga;
haplos at yakap nya
ang unang humupa sa aking luha.

mula noon hanggang ngayon,
pag-aaruga nya ang lagi kong hanap.

sa tuwina'y umaasa

sa kanyang pagkalinga.

araw-araw na nagpapasalamat
sa mahal kong ina;
sa walang kupas, walang pagod,
na pagmamahal at pag-aalaga.


mother...
she was the first i saw,
her voice, the first i heard,

and her touch, her hug,

were the first to brush off my tears.


years pass...

and i still long for her care,
it's what i look for everyday.

i say thanks, each morning,
for a mother like her;
for being strong, for being there,

for loving me even more each day.

30 comments:

Anonymous said...

Ganda ng kuha at sobrang naantig ang damdamin ko (in other words,"touched" ako - hahaha)sa kalakip na tula na ginawa mo.

Tiyak na tataba ang puso ng iyong "mother dear" kapag nabasa niya ito.

Happy Huwebes sa iyo, Lids!

Pete Erlano Rahon said...

mabuhay ang lahat ng ina!

maganda ang kuha...

Anonymous said...

maganda ang idea mo sa temang ito! at totoo lahat ng nasa tula mo...ang laging tanong ng aking panganay 'what's the first word i said mom?'..and i would always say..'ma-om'

Anonymous said...

aww very touching photo :) siguro mas magiging dramatic pa sya kung b&w ang treatment! ganda po! happy webes!

Anonymous said...

pareho nga tayo ng konsepto. Ang galing ng pagkakuha mo! Parang nararamdaman ko ang mapagmahal na haplos. =)

Dyes said...

nakaka-piga ng puso ang iyong kuha. ambilis lumaki ng mga bata, ano?

meron na rin akong entry sa http://yaneeps-pics.blogspot.com/2008/05/lp-6-mahal-na-ina.html

Anonymous said...

reminds me of michaelangelo's creation sa sistene chapel.

http://www.kiwipino.pinoyandpinay.com/

Anonymous said...

Simple pero makahulugan ang iyong larawan.

Maagang pagbati para sa araw ng mga ina.

Anonymous said...

Lids, very dramatic ang picture mo...parang pang advertisment... kamay mo ba yan at ng iyong ina?

Ang ganda rin ng iyong tula... iba talaga ang utang ng loob natin sa ating mga ina... mula sa ating pagkanganak hanggang sa ating pag tanda ang pagmamahal sa ating ng ating mga ina ay hindi magbabago.

Anonymous said...

Makahulugan ang pic mo... Maganda...

Anonymous said...

so true...

magandang hwebes!

Dragon Lady said...

hi lids! salamat sa muli mong pagbisita. :)

gusto ko ang litratong lahok mo ~ samahan pa ito nang isang makabuluhang akda. :)

Tes Tirol said...

ako din nakatanggap ng simpleng tula galing sa aking anak, napaka sarap ng pakiramdam, marahil ganun din ang pakiramdam ng iyong ina

happy mother's day!

Anonymous said...

that was a very heartwarming poem. happy mothers day!

Anonymous said...

awwww :(

gusto ko ang iyong konsepto :)

keep it up ^_^

Anonymous said...

ang ganda ng kuha :) totoo nga na kamay ng pagmamahal ang sa mga ina :)

Maver said...

hi lids!

ay oo nga! di pa kase ako nakakapagbloghop nang husto. Mabuhay ang mga Ina!

Anonymous said...

That's a very telling shot. Ganda ng konsepto. Hanggang sa susunod na Huwebes. Gandang umaga sa yo.

Anonymous said...

maganda ang larawan, pati na rin ang tula. :)

iba talaga ang alaga at pagmamahal ng isang ina.

Anonymous said...

lids, ganda ng kuha at galing mo gumawa ng tula :) Maligayang araw.

Anonymous said...

wow!ang sweet naman g picture,very touching talaga.

Anonymous said...

magandang larawan... napakagandang tula :-)

Anonymous said...

Ang ganda ng kuha! Talanang mararamdaman mo haplos ng Ina :)

Anonymous said...

pareho nga tayo! :)
ang ganda ng picture.. speaks a thousand words.

Anonymous said...

we should all thank our mothers talaga.. ang ganda ng pic..

Anonymous said...

Nakaka-antig ng puso ang iyong tula at tunay na makahulugan naman ng iyong larawan.

Anonymous said...

nais ko lang sabihing napakaganda ng iyong larawan :)

Anonymous said...

'Di ko alam kung pumasok yung unang comment ko. Anyway, napakaganda ng lahok mo. Isa sa mga lahok na naantig ang puso ko.

Anonymous said...

napaka-meaningful naman ng kuha mo liddie. napaisip tuloy ako, kelan ko ba huling hinawakan ang kamay ng mommy ko para sabihin sa kanya na mahal ko siya? :)

lidsÜ said...

salamat muli sa lahat ng tumangkilik, paumanhin na kung ngayon lang nakasagot!

talagang para sa lahat ng mga ina ang aking lahok para sa LP... ngunit higit pa itong espesyal para sa aking sariling mommy... happy mom's day!

@ces :: kaunti lamang talaga ang kilala kong mga bata na hindi 'mama' ang unang binigkas nung sila'y malilita pa! ang galing!

@ettey :: oo nga e! pero naisip ko na maganda ring ipakitang buhay na buhay ang kulay ng mga kamay, gaya ng pagmamahal na namamagitan sa mag-ina. salamat!

@kiwipino :: oo nga! pero di hamak na mas maganda iyon!

@leapsphotoalbum :: salamat, salamat! kailangan kong aminin na hindi yan kamay ng aking ina. kamay ko yan at nang isang kaibigan. wala kasi sa pilipinas si mommy ngayon e :c

@iris :: ako man ay sabik nang mahawakan muli ang kamay ng aking ina. sana nga'y umuwi na sya agad!

hanggang sa susunod ng huwebes, mga ka-LP!