upang salubungin,
ang taon na paparating,
pailaw sa kalangitan,
isa-isang papa-apuyin.
ang maliwanag na papawirin,
wala nang ibang ibig iparating,
kundi kasiyahan, kasaganahan
aming hangad, aming hiling.
ang taon na paparating,
pailaw sa kalangitan,
isa-isang papa-apuyin.
ang maliwanag na papawirin,
wala nang ibang ibig iparating,
kundi kasiyahan, kasaganahan
aming hangad, aming hiling.
to welcome the year,
that is to come,
fireworks in the sky,
we light up one at a time.
the bright skies symbolize,
our prayers for the year.
that we may be blessed,
happy and content.
that is to come,
fireworks in the sky,
we light up one at a time.
the bright skies symbolize,
our prayers for the year.
that we may be blessed,
happy and content.
33 comments:
dapat fireworks ang lahok ko ngayon, kaso, ni hindi man lang ako nakakuha kahit isang matinong shot nung sabado sa pyrolympics. abnormal kasi yung hangin at natatakpan ng sarili nilang usok yung mga fireworks.
Makulay, nakakaliw, yan ang fireworks.
Vera, dapat pupunta din kami nung Saturday pero maulan kaya hindi na kami tumuloy.
Maligayang araw ng Huwebes1
maganda nga litratuhan ang fireworks lalo't ibat ibang kulay nito:
eto akin:
http://jennysaidso.com/2008/05/litratong-pinoy-7-umaapoy.html
http://jennys-corner.com/2008/05/lp-7-umaapoy_15.html
Napakaganda at nakakaaliw talaga ang mga fireworks!
Magandang Huwebes!
http://www.bu-ge.com/2008/05/litratong-pinoy-ummapoy.html
Ako'y natutuwa sa mga lahok na may kasamang tula! At gusto ko ang iyong lahok na ito, ako din gaya ni Vera ay wala pang kuha ng fireworks ni isa =D Gandang huwebes!
Fireworks Haiku
Hatid n'ya ay kislap
Sa madilim na langit
May dala pa s'yang saya
Maligayang Huwebes!
hi lids! iniisip ko rin na mag-entry ng fireworks (tulad ni vera). ang kaso, hindi naman ako nakapunta ng pyrolympics (tulad ni julie)! hehehe
nice shot of the fireworks!
happy hottie huwebes!
sa awa ng dios, hindi ako marunong kumuha ng litrato ng fireworks. laging pumapalpak.
see u next LP!
ang saya namang tignan, parang piyesta :)
gandang LP!
ganda! naiiyak nga ako kapag nanunuod ng fireworks eh ehehe
gandang huwebes!
Cool! I like this... mayroong magical feel kapag fireworks ang tinitingan...buti maganda at malinaw ang iyong litrato.
wow! galeng naman nyan!! i love fireworks! happy thursday :)
Buti na lang at nauso na ang ganitong uri ng paputok tuwing bagong taon - bukod sa magandang tignan e di pa nakakapinsala, di ba?
Paborito rin naming panuorin yan tuwing bagong taon.
Happy new year...oops, happy Huwebes pala! Hehehe
Ang ganda..kuhang kuha ang pagsabog ng apoy..
frustration ko yan, ang pagkuha ng fireworks..hanggang ngayon, hindi ko pa maayos..hehe
Gandang Huwebes!
Saan tu? I haven't tried taking photos of fireworks. I haven't had the chance yet but I would love to!
ito ang isa sa mga hindi ko pa makuhanan ng maayos, sabagay matagal tagal na rin akong di nakakita nito! nice!
fabulous photo, just love fireworks!
parang gusto kong sumigaw ng "happy new year!" :D
iyan ang isang bagay na kailangan ko pang ensayuhin, ang kumuha ng litrato ng fireworks. wala akong matinong shot ng ganyan ever, hehe.
MyMemes: LP Umaapoy
MyFinds: LP Umaapoy
Lids,ang ganda ng iyong lahok at galing mo talaga gumawa ng tula. Maraming salamat sa dalaw :)
hay juicekoh, pinapasok din ako ng blogspot dito sa comment box mo lol
Happy New Year :D he he...maige na maagap keysa ma late akong makabati sa iyo *wink*
ganda ng kuha mo sa fireworks na ito!
salamat sa bisita mo pala! appreciate your comment!
naisip ko rin to, hehe. magandang araw ng biyernes, sensya na late ako, hehehe...
salamat sa pagdalaw sa aming blog! ganda ng kuha mo sa mga paputok. :)
ito ay isang kagandahang naidudulot ng apoy:
maganda kung pagmasdan tunay na nakapagpapasaya...
ingatan lamang ang paggamit ng di mauwi sa disgrasya.
salamat sa pagbisita...
ako'y iyong napaligaya.
sana ay bumalik ka :D
Ang galing naman ng iyong pagkakuha sis!
Salamat sa pag alala sa akin ha :)
kuha ba ito sa world pyrolympics? kahit na mangawit pa ang leeg ko sa kakatingala para mapanood ang magagandang fireworks display ay sulit naman. :) mabuhay LP! :)
happy new year lidie.. :D
salamat sa comment.
uy speaking of fireworks, malapit na ang world pyro olympics ulit :)
ganda ng kuha mo lidie :) happy LP sayo!
hindi lang umaapoy, sumasabog! ang ganda!
Hi Lids!
Salamat sa pagbisita mo sa blog ko.
Nung maliit ako (maliit pa rin naman ako hanggang ngayon eh) pinaghahandaan talaga namin ang pagdating ng New Year kasi tuwang-tuwa kami sa fireworks! Maganda rin ang ginawa mong tula :)
Ang husay ng kuha mo. Nakakatuwa.
paumanhin kung ngayon lamang makakasagot sa inyong mga komento...
una sa lahat, salamat sa mga tumangkilik sa aking lahok para sa temang 'Umaapoy.'
salamat sa inyong lahat! sa inyong pagbisita!
@Vera :: naku sayang! ang gaganda pa naman ng mga pailaw sa pyrolympics! pero napaka-lakas nga ng hangin nung sabado! salamat sa pagbisita!
@julie :: sayang naman julie!
@jennyL :: ang ganda diba?
@mirage2g :: subukan mo lang ulit at makakakuha ka rin ng magandang shot ng fireworks! salamat din sa pagtangkilik sa aking tula!
@juleste :: ang galing ng iyong haiku! salamat!
@Dyes :: hehehe! sayang! sa susunod nalang! :) salamat sa pagdalaw!
@ScroochChronicles :: kaya mo yan! try lang ng try! hahaha! hanggang sa muli!
@Teys :: tama ka, pang-piyesta rin ang apoy na ito!
@kaje :: bakit nga kaya nakakaiyak panoorin ang fireworks? ako may ay naranasan na rin maluha...
@leapsphoto :: thanks! what you siad is so true... magical talaga ang dating!
@ettey :: love 'em too! thanks!
@Pinky :: oo nga! naku! hindi talaga ako mahilig sa maiingay na paputok...
@cathy :: gaya ng sabi ko, just keep on trying! ;)
@Chrys :: you should try it! it's quite a challenge but really great! took this at the pyrolympics 2 years ago (i think!)
@ces :: hehehehe... sa sabado! subukan mo, alam ko, may pyrolympics pa ulit e!
@MrsPartyGirl :: hehe! manigong bagong taon! :P tiyempuhan lang yan e!
@Nina Lumberio :: salamat, salamat! kaya lalo akong naeenganyong gumawa ng tula ay dahil sa mga komento ninyo! :)
@thess :: sorry, thess! nagka-problema ba? hehehe! salamat sa pagbati... :P lol
@lino :: wala iyon, habol lang ng habol! walang late dito! :)
@RoseLLe (Reflexes) :: ang galing mo ring tumula!
@Eds :: sisters tayo dito sa LP! ingat!
@Grey :: oo, sa pyrolympics nga... pero hindi ngayong taon... ang ganda-ganda nilang pagmasdan ano?
@fortuitous faery :: totoo ka dyan!
@ZJ :: the best talaga ang fireworks sa mga bata! salamat, salamat!
@EmDy :: salamat! hanggang sa huwebes!
Post a Comment