search...

Google

Thursday, May 22, 2008

LP #8 :: Tubig



Pighati man ang dulot ng ito'y sumabog,
Ituturing ko pa rin itong biyaya ng Diyos.
Naging sanhi ng kaguluhan,
Anyo nya ngayon ay payapang lubos.
Tubig na ito'y puro,
Ubod ng ganda animo'y laging tahimik.
Bigyang pansin ang tingkad ng kulay.
Oras tumitigil tuwing pinagmamasdan.

Pain and suffering, it's explosion brought,
I still consider it a blessing from God.
Nothing but disaster, it caused,
Apparently now it is peaceful and serene.
True and pure water,
Undeniably beautiful, it seems always still.
Bring your attention to the brightness of its colors.
Oh how the hours stay still when mesmerized by its beauty.

35 comments:

Anonymous said...

di ko alam na ganyan pala kaganda ang Pinatubo. Ganda ng kuha mo. :)

Happy huwebes!

Anonymous said...

napakaganda ng kulay ng tubig...ganda pala ng pinatubo. magandang araw sa iyo.

Anonymous said...

ganda! di pa ko nakakapunta dyan...
maligayang araw ng huwebes...

Anonymous said...

sa totoo lang perstaym kong nakita ang pinatubo! salamat sa pagshare :)

ScroochChronicles said...

ang ganda!! alam mo ba, kinukumbinse ko ang asawa ko na pumunta kami dyan...di naman siguro sasabog ang Pinatubo habang andyan kami..hehehe :)

see u next LP!

Anonymous said...

ganito na pala ang itsura ng Pinatubo ngayon! mapa-tagalog mapa-inggles may tula sa salita!galing!

Anonymous said...

i still remember the day it erupted when day turned to nite.

Anonymous said...

uy ganda saan ito parang postcard ah.. happy huwebes sa iyo
http://jennys-corner.com/2008/05/lp-8-tubig-water.html

 gmirage said...

Napakakalmado ng litratong ito, at aba naman ang tula! Galing! Gandang huwebes sa yo!

Dyes said...

ang ganda!

gandang hwebes!

Anonymous said...

Ay, ang ganda. Di pa ako nakakapunta dyan, kahit taga Zambales ako.

Magandang Huwebes sa iyo.

Four-eyed-missy said...

Wow - isa ito sa mga lugar na dapat kong puntahan sa muli kong pag-uwi dyan sa atin! Beautiful!!!

Anonymous said...

Wow, ang ganda! Salamat sa pagbibigay ng bagong dimensyon sa Pinatubo. :) Maligayang Huwebes!

Anonymous said...

Iba talaga ang kamay ng Diyos :) napakaganda!

Anonymous said...

Napakagandang kulay ng tubig! Pinatubo ito? Wow!!! Thanks for sharing, Lidie :)

Anonymous said...

ang peaceful ng litratong iyan, ang ganda.

happy weekend! :)

HiPnCooLMoMMa said...

maaganda ang pagkakuha, damang dama ko ang katahimikan at kagandahan ng tanawin.

Anonymous said...

yan na yung mt. pinatubo? buti ka pa naka daong na dyan.

arvin said...

huwaw:D crush na kita dahil sa post na ito:D hehehe. natuwa ako sa tagalog-engish na tula, hehehe:D Ganda pa ng sulfuric na lake sa loob ng pinatubo:D

Anonymous said...

GANDA, to the nth power! who would have thought such beauty exist sa isang volcano...

Ambo said...

Isa sa mga nais kong pasyalan ang Mt. Pinatubo. Nice photo!

Marites said...

Hay! tagal ko nang gustong umakyat ng Pinatubo..layo kasi sa amin :( ang ganda ng kuha mo.

emotera said...

di mo aakalain na sa pinatubo pala yan...parang sa ibang bansa eh...ganda ng kuha...galing...:)

Lizeth said...

sayang at di ko napuntahan ang pinatubo. sana sa aking pagbabalik :)

Rio said...

huwaw! ganda ng shot=)
galing din ng pagkakagawa ng tula=)
wala bang spanish version nyan? hehehe
napadaan at nakibasa po=)

Anonymous said...

hindi pa ko nakakapunta ng pinatubo mismo. ang ganda pala doon. ganda ng kuha mo lids! :)

Anonymous said...

ang ganda ng kuha! pero sa totoo lang hindi pa ako nakapunta sa pinatubo. nakita ko lang ang kinahinatnan ng ilang lugar sa pampanga pagkatapos ng eruption nito. at naalala ko pa na umuwi kami ng maaga galing sa pinagtatrabahuhahn ko sa QC dahil namumuti ang paligid noon...

Anonymous said...

Dami kong nababasang blog tungkol dito. Ang ganda talaga nya - must see! Kailangan mapuntahan ko ito one of these days!

Anonymous said...

wow! mukhang napaka mapayapa ng bulkan

Anonymous said...

uy ang ganda! :)
sana makapunta din ako jan.

Anonymous said...

agree with the comments.. hindi ko maiisip na ganyan kaganda ang Pinatubo! Galing ng shots, galing din ng akda!

Anonymous said...

ang ganda ng larawan. parang painting. :)

JO said...

wow! ang ganda!

lidsÜ said...

mga LP friends! salamat muli sa pag-dalaw! naku! paborito ko talaga ang pinatubo... manghang-mangha ako nung nakapunta ako dyan! ang ganda talga! masaya pang lumangoy dyan! haha!
hanggang sa huwebes muli!

lidsÜ said...

@leah :: ganyan nga! ang ganda talaga nito!

@RoseLLe (Reflexes) :: naku, higit na maganda pa ito pag andun ka!

@lino :: subukan mong akyatin! masaya naman ang lakbay :)

@ettey :: talaga? first time palang? ang ganda talaga!

@ScroochChronicles :: haha! hindi naman sana! baka konting pilit nalang e mapapapayag mo na sya!

@ces :: hehe... ganyan na nga! ang ganda, diba? hehe, salamat! medyo pinilit ko yang tula e :P

@kiwipino :: that was a very tragic day... grabe!

@jennyL :: sa pinatubo ito... tama ka, pwede ngang pam-postcard :)

@mirage2g :: talgang napaka-kalmado... hindi mo aakalaing kaya nyang sumabog ng napaka-lakas!

@Dyes :: salamat!

@julie :: haha! taga-Zambales ka lang? dapat maglaan ka ng oras para makita ito! ang ganda talga!

@ZJ :: dapat mo talagang mabisita ito! it's worth it!

@toni :: salamat din at naibigan mo!

@kaje :: walang katulad!

@thess :: oo, pinatubo ito! at iyan talaga ang hitsura nya... at mas maganda pa sa katunayan!

@christine :: payapang-payapa talaga...

@HiPnCooLMoMMa :: salamat, salamat!

@mousey :: yan na nga! buti nalang talaga at nabisita ko na itong lugar na ito...

@komskikuno :: haha! comedy ka! salamat sa pag-bisita!

@sardonicnell ::haha! to the nth power ba? ang galing ano? :P

@Ambo :: thanks! you should go see it!

@Me, the islands and the world :: naku, you should make time to see it!

@emoterang nurse :: pakiramdam ko talaga ay nasa ibang bansa ako nung pumunta ako riyan!

@Lizeth :: hmm... we shall plan our pinatubo trip when you find time to come back to the Phils!

@Dra. Rio :: salamat sa pag-daan! haha! hayaan mo, hahasain ko ang pag-Spanish ko para sa susunod! haha!

@Iris :: hindi halatang iyan ang makikita mo sa Pinatubo, hindi ba?

@iska :: naku, talaga namang napaka-sama ng nangyari... capampangan din ako at talgang malaking salanta ang dinulot ng pagsabog... at oo, hanggang maynila ay ramdam ang epekto... buti nalang at kalmado na sya ngayon!

@nina :: oo nga e! kaya gulat din ako na marami pa ring hindi pa nakakarating dito!

@juleste :: parang lawa lang, hindi ba?

@Pinay in the US :: sana nga!

@anakathy :: salamat, salamat!

@MunchkinMommy :: para ngang painting! haha!

@JO :: salamat sa pag-dalaw!